Orion Innovation, nagwagi ng Australia Technology Excellence Award para sa mga solusyon sa teknolohiya ng sports
Kinikilala para sa Paghahatid ng Cutting-Edge na Teknolohiya sa mga Kuponan, Liga, at Estadyum ng Palakasan
MELBOURNE, Australia, Sept. 29, 2023 — Pinarangalan ang Orion Innovation (“Orion”), isang nangungunang kumpanya ng digital na transformasyon at pagpapaunlad ng produkto, sa prestihiyosong Australia Technology Excellence Award para sa Software – IT Services, ng Asian Technology Excellence Awards. Pinarangalan ang Orion para sa matagumpay nitong track record ng patuloy na paghahatid ng mga solusyon sa cutting-edge na teknolohiya sa global na industriya ng palakasan.
Nakikipagtulungan ang Orion sa ilan sa pinakamalalaking liga ng palakasan sa Europa, US, at APAC. Ginagamit ng kumpanya ang higit sa dalawang dekadang karanasan sa global na palakasan upang bigyan ang mga entity ng palakasan ng mga solusyong batay sa data upang mas mahusay na pamahalaan ang kanilang kumplikadong negosyo.
Nagkomento si Raj Patil, CEO ng Orion, “Lubos na pinararangalan ang Orion na manalo sa Australia Technology Excellence Award. Nakatuon kami sa pagtulong sa mga global na kuponan, liga, at estadyum na baguhin ang kanilang mga operasyon, pahusayin ang karanasan ng mga tagahanga, at dagdagan ang kita. Pinapalakas ng pagkilala na ito ang aming sigasig na patuloy na itulak ang mga hangganan, magtakda ng mga bagong pamantayan, at hubugin ang hinaharap ng teknolohiya ng palakasan.”
Sinabi ni Satish Kumar, Global Head ng Sports and Entertainment ng Orion, “Isang patunay sa aming walang humpay na dedikasyon sa inobasyon at kahusayan sa sektor ng teknolohiya ng palakasan ang pagtanggap ng Australia Technology Excellence Award para sa Software – IT Services.”
Ginagamit ng Sports Platform ng Orion ang emerging na teknolohiya upang pahintulutan ang mga liga, kuponan, at club ng palakasan na epektibong pamahalaan ang pagbebenta ng tiket at pagbibigay ng kredensyal, mga kontrata, karanasan sa araw ng laro at panatilihin ang integridad ng laro. Pinoproseso ng flexible na sentralisadong application ang napakalaking dami ng data upang matiyak ang kalidad, konsistensya at kawastuhan ng data sa buong mga liga, club, at indibidwal na kuponan. Kamakailan lamang inilunsad ng Orion ang natatanging alok na Stadium-as-a-Service (SaaS), na nagbibigay-daan sa mga may-ari at operator ng estadyum na maghatid ng mas mahusay na karanasan ng tagahanga bago, habang, at pagkatapos ng laro.
Pinagaanap at pinaigting ang Sports Platform at alok na SaaS ng Orion sa pakikipagtulungan sa mga pangunahing asosasyon, namamahala na katawan, liga, at club ng palakasan sa buong mundo.
Tungkol sa Orion Innovation
Ang Orion Innovation (“Orion”) ay isang nangungunang kumpanya ng digital na transformasyon at pagpapaunlad ng produkto. Nakaugat sa engineering at design thinking, kasama ang natatanging pagsasama ng agilidad, saklaw, at kahinugan, tinutulungan ng kanyang koponan na binubuo ng humigit-kumulang 6,400 katuwang ang mga kumpanyang Fortune 1000 na pahusayin ang mga epektibidad, pagbutihin ang mga karanasan ng customer, at bumuo ng mga bagong digital na alok. Sa pamamagitan ng mga sentro ng paghahatid nito sa Hilagang America, EMEA, India at Latin America, pinaglilingkuran ng Orion ang mga kliyente sa mga industriya ng palakasan at libangan, telecom, media at teknolohiya, propesyonal na mga serbisyo, pinansyal na mga serbisyo, at pangangalagang pangkalusugan. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.orioninc.com.
Makipag-ugnay
Sujata Garud
sujata.g@orioninc.com