MultiMetaVerse Holdings Limited (Nasdaq: MMV) Pumapasok sa Kasunduan Upang Makakuha ng Taomee

NEW YORK at SHANGHAI, Sept. 15, 2023 — Inihayag ngayon ng MultiMetaVerse Holdings Limited (“MMV”), isang kompanya ng animasyon at libangan na naglilingkod sa merkado ng kabataan ng China, na ito ay, sa pamamagitan ng subsidiary nito sa China, pumasok sa isang kasunduan (ang “Kasunduan”) upang makuha ang 100% equity sa Shanghai Shengran Information Technology Co., Ltd. at mga kaugnay na interes na nauukol sa lahat ng konsolidadong VIE nito (kolektibong tinatawag bilang “Target Group,” o “Taomee”). Inaasahan ng MMV na makumpleto ang transaksyong ito sa katapusan ng taong ito. Ang pagbili ay magiging isang pangunahing tagumpay para sa MMV sa pagpapalawak ng portfolio nito at lubos na mapapahusay ang financial performance nito kabilang ang kita at cash flow nito.

Itinatag noong 2007, ang Taomee ay isa sa mga nangungunang entertainment at media company para sa mas batang henerasyon sa China, na may matatag at sikat na original na brand kabilang ang “Mole’s World”, “Seer” at “Flower Angel”. Ang tatlong iconic na brand na ito ay namumunga sa China ng higit sa isang dekada, naging inspirasyon para sa industriya at ang kasikatan nito sa mas batang henerasyon ay nakaimpluwensiya sa milyon-milyong kabataan ng bansa. Ayon sa data na ibinigay ng Target Group, matagumpay na nabuo at pinatakbo ng Taomee ang maraming sikat na video games, at nakakuha ng daan-daang milyong kumulatibong nakarehistrong gumagamit. Bukod sa video games, nagbigay din ang Taomee sa mga gumagamit nito ng karagdagang karanasan sa libangan tulad ng animation at paninda. Nagawa ng Taomee ang isang library ng mahigit 500 episode ng mga animated series at 11 animated movies batay sa mga brand na ito.

“Ang Taomee ay isang mahusay na kompanya na ang mga gawa ay nagbigay inspirasyon sa isang buong henerasyon ng mga Tsino, at patuloy na sinundan at minahal ng kanilang mga tagahanga hanggang ngayon.” sabi ni Yiran Xu, CEO ng MMV. “Ang kanilang matatag na brand, tapat na user base, at pagsusumikap sa patuloy na pamumuhunan sa mga brand at iba’t ibang anyo ng entertainment content ang bumubuo ng pangunahing halaga ng kompanya at perpektong naaayon sa aming estratehiya para sa pagpili ng mga kasosyo. Excited kaming makipagtulungan sa mga talented na koponan sa Taomee at pagsamantalahin ang aming brand-centered na modelo ng negosyo upang buksan ang buong potensyal ng kanilang mga brand.”

Bilang isang pioneer sa entertainment industry ng Tsina, sa matagumpay nitong track record at kadalubhasaan sa paglikha ng original na animation at pagbuo ng video games, nakapagtatag ang MMV ng isang brand-centered na modelo ng negosyo upang bumuo ng sariling brand, i-market ang mga ito sa original na user-generated content (UGC), at bigyan ang mga gumagamit ng nakakalibang na karanasan sa entertainment sa pamamagitan ng iba’t ibang online at offline na nilalaman. Kasama rito ang pagbuo ng nilalaman para sa mga brand na nagmumula sa digital collectables hanggang sa mga aklat at komiks, pati na rin ang mga animation at video games. Bukod sa sariling brand nito, naghahanap ang MMV ng mga pagbili at pakikipagsosyo sa mga mahahalagang IP tulad ng mga sa Taomee upang mapahusay ang portfolio ng brand nito at lumikha ng mas malaking synergy.

Presyo ng Pagbili at Financial Performance

Ang kabuuang presyo ng pagbili ay binubuo ng fixed na konsiderasyon na RMB 543 million, dagdag ang isang variable na konsiderasyon batay sa ilang mga adjustment ngunit sa anumang paraan ay hindi bababa sa RMB 17 million, lahat ay babayaran sa cash. Ang presyo ng pagbili ay popondohan sa pamamagitan ng kombinasyon ng mga share issue at mga pautang sa bangko.

Sa taong nagtatapos noong Disyembre 31, 2022, naitala ng Taomee ang kabuuang hindi naaudit na kita na RMB 226 million (US$33.6 million) at ini-adjust na hindi naaudit na EBITDA na RMB 88 million (US$13.1 million). Sa huling labindalawang buwan na nagtatapos noong Hunyo 30, 2023, naitala ng Taomee ang kabuuang hindi naaudit na kita na RMB 296 million (US$42.6 million) at ini-adjust na hindi naaudit na EBITDA na RMB 119 million (US$17.1 million).

Mga Tagapayo

Gumawa bilang legal counsel sa transaksyon ng MMV ang Fangda Partners. Gumawa bilang financial at tax advisor sa MMV ang Deloitte.

Tungkol sa MultiMetaVerse Holdings Limited

Ang MultiMetaVerse Holdings Limited (NASDAQ: MMV) ay isang kompanya ng animation at libangan na nakatuon sa pagbibigay ng mataas na kalidad, nakakalibang na karanasan sa entertainment sa pamamagitan ng original, user-generated, at propesyonal na user-generated na nilalaman. Ang signature na Aotu World brand ng MMV ay nakahakot ng malawak na tagasunod sa mas batang audience sa China. Sa pamamagitan ng itinatag na user base ng kompanya, nabuo ng MMV ang isang iba’t ibang portfolio ng produkto, kabilang ang animated content, komiks, maikling video, collectables, istasyoneryo, consumer products, at mobile games sa buong Aotu World brand.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang https://www.multi-metaverse.com/

Para sa mga tanong ng investor at media, mangyaring makipag-ugnayan sa:

MultiMetaVerse Holdings Limited
Mga Relasyon sa Investor
Email: ir@multi-metaverse.com