Mga mananalo ng $10 Milyong Premyo para sa Inobasyon sa Pag-aalis ng Asin na Iaanunsyo sa Jeddah

RIYADH, Saudi Arabia, Sept. 28, 2023 — Sa ilalim ng patronage ng Kanyang Kamahalan Eng. Abdulrahman Abdulmohsen A. AlFadley, Ministro ng Kapaligiran, Tubig at Agrikultura, ang mga mananalo ng Global Prize for Innovation in Desalination (GPID) ay ihahayag sa Innovation Driven Desalination Conference. Pinagtitipon ng kumperensya ang mga espesyalista at eksperto sa sektor ng tubig mula sa buong mundo at gaganapin ito sa Jeddah mula Septiyembre 30 hanggang Oktubre 3.

Naaayon ang GPID sa mga layunin ng Saudi Vision 2030 at layuning suportahan at hikayatin ang mga inobatibong solusyon sa desalination. Higit sa 105 kalahok mula sa mga research center at unibersidad, entrepreneur, at kinatawan ng mga pambansa, panrehiyon at pandaigdig na kumpanya sa desalination ang nagsasagupa para sa $10 milyon na premyo.

Layunin ng kanilang mga proyekto na mabawasan ang paggamit ng enerhiya, mapababa ang capital at operating expenses, isama ang mga modernong teknolohiya, baguhin ang mga business model, at paunlarin ang mga pagsusuring analitiko na nagtataguyod ng inobasyon. Pipiliin ang mga nagwagi batay sa kanilang potensyal na hubugin ang hinaharap ng sektor ng desalination.

Isinulong ng Saline Water Conversion Corporation (SWCC) ang GPID na may matibay na pagtatalaga sa mga solusyong nangunguna at mga pag-unlad sa teknolohiya. Ipinapakita ng sponsorship ang posisyon ng SWCC bilang tunay na pandaigdig na lider sa inobasyon at kaalaman at bilang pangunahing tagapagtaguyod sa paglikha ng kapaligiran sa loob ng industriya ng desalination, na nagpapalago sa konsepsyon, pag-unlad, at pagpapatupad ng mga inisyatibang ito.

Sa ganitong aktibo at malawak na pakikilahok mula sa mga global na kumpanya at indibidwal na may mga malikhaing ideya, layunin ng GPID na makiambag sa pagkalat ng kultura ng inobasyon sa sektor ng tubig at baguhin ito sa isang kultura ng trabaho at gawain na pahuhusayin ang ating kahandaan para sa hinaharap.

Nakatuon ang SWCC sa pagtataguyod at paghikayat ng mga pagsisikap sa inobatibong at sustenableng pagpapaunlad at nagagalak na suportahan ang mga lokal na kumpanyang nakilahok sa premyong ito, kabilang ang Mutlaq Al Ghowairi for Contracting, Rawafid Industrial, Saudi Services for Electro Mechanic Works (SSEM), AlSharif Group, Al-Fanar, at Al-Rashed.

Nagtalaga ang mga organizer ng GPID ng komite ng mga dalubhasa upang hatulan at suriin ang mga kalahok batay sa mga pamantayan ng premyo at tiyakin na natugunan ang mga mahahalagang pangangailangan sa pamamahala.