Facemoji Keyboard Naglulunsad ng mga Feature na AI-Generated Image upang Hikayatin ang Pagkamalikhain ng mga User
Ang mga bagong tampok na AI, Magic Avatar, Face Emoji at Memes, ay nagbibigay-daan sa mga user na buhayin ang kanilang mga malikhain na iniisip at mensahe sa pamamagitan ng mga custom na sticker set at avatar na imahe
SUNNYVALE, Calif., Sept. 28, 2023 — Inihayag ngayong araw ng Facemoji Keyboard, ang unang content-creation keyboard sa mundo na may saganang mapagkukunan sa app, ang tatlong bagong tampok na AI ng Facemoji: Magic Avatar, Face Emoji at Memes, na gumagamit ng generative artificial intelligence (AI) upang pakawalan ang kreatibidad ng mga user at i-transform ang kanilang mga salita o larawan sa mga custom na imahe, avatar at emoji sticker pack.
Available na ngayon sa Android at iOS, nag-aalok ang mga tampok ng mga bagong paraan upang makipag-ugnayan sa app at ipakita ang kreatibidad ng mga user:
- Magic Avatar
- Gamit ang Magic Avatar, maaaring baguhin ng mga user ang isa sa kanilang personal na larawan sa isang AI avatar na maaari nilang gamitin sa social media. Pagkatapos i-upload ang isang larawan, pumili ang mga user mula sa iba’t ibang trendy na estilo, kabilang ang Anime, Cyberpunk, Minecraft-like, Comics at marami pang iba – lumilikha ng isang custom, natatanging profile image.
- Face Emoji
- Pinapayagan ng tampok na ito ang mga user na lumikha ng kanilang sariling custom na avatar sticker set sa pamamagitan ng pag-upload ng isang larawan at pagpili sa disenyo na gusto nila. Madaling mapapalitan ang mga avatar sticker na ito sa pagitan ng mga estilo ng disenyo, na nagbubukas ng walang hanggang mga pagpipilian na maaaring ibahagi sa iba o gamitin sa mga chat conversation.
- Memes
- Tinutulungan ng tampok na ito ang mga user na gawing mga nakakatawang meme ang kanilang mga mensahe. Pagkatapos ay pumili ang mga user ng kanilang paboritong meme upang ibahagi sa mga chat, dagdag na flare, fun at istilo sa pang-araw-araw na komunikasyon.
“Sa Facemoji, nakatuon kami sa paggamit ng AI upang itaas ang karanasan at komunikasyon ng aming mga user,” sabi ni Natalia Lin, Product Lead sa Facemoji Keyboard. “Lumampas ang komunikasyon sa nasusulat na salita, kaya natutuwa ang Facemoji na mag-alok ng AI-generated na mga sticker at avatar para mas trendy, personalized at malikhain ang mga user kapag bisyual na ipinapahayag ang kanilang mga ideya.”
Inilunsad ang AI ng Facemoji noong Abril 2023 at mula noon ay nagsama na ng mga bagong tampok tulad ng Ask AI, isang chatbot function, at isang Rizz function upang tulungan ang mga user na ipahayag ang kanilang mga sarili nang may istilo.
May higit sa 550 milyong global na download ang Facemoji Keyboard at available ito sa mga user sa higit 190+ bansa at rehiyon nang libre sa Android o iOS.
Tungkol sa Facemoji Keyboard
Ang Facemoji Keyboard ang unang content-creation keyboard sa mundo na nagbibigay-daan sa mga user na hanapin, disenyuhan o imbentuhin ang mga pinakamoderno at pinakamatalinong paraan upang ipahayag ang kanilang mga sarili. Sa Facemoji, ganap na maaaring i-customize ng mga user ang kanilang keyboard at lumikha at magbahagi ng natatanging mga ekspresibong disenyo, kaya bawat user ay maaaring maging isang modernong trendsetter sa paglikha ng content.